Showing posts with label Rai's multi. Show all posts
Showing posts with label Rai's multi. Show all posts

Saturday, November 24, 2012

32th and still counting!

August 16, 2011
**From Rai's Multiply


bebebs! happy 32th monthsary for us.  ang tagal na natin noh? buti naman at hanggang ngayon ay gumagana parin ung pinainom ko sa iyo na gayuma. ahaha  gayun pa man ay Masaya ako at hanggang ngayon ay hindi ka pa rin sawa sa akin, kahit na paminsan pinsan wala tayong exciting na ginagawa, ung hindi tayo gumagala sa kung saang parte ng pilipinas, ung hindi tayo nakakanuod ng gusto nating palabas sa sine. okay lang sa iyo kung tambay muna tayo kasi wala tayong pera pa panggala. salamat!

balak ko talaga itong itype in English pero sadyang kupas na ung vocabulary ko at hindi ko na kaya magtype ng English fluently.  its been almost 2 and a half years since we’ve been together..err parang hindi ata yan ung gusto kong sabihin., tagalong na nga lang. dalawang taon at walong buwan na tayong nagsasama at hanggang ngayon hindi pa rin nagsisink in sakin na ang tagal na natin. biruin mo sa dinamidamin nating pinagdaanan ay nagagawa parin natin mayos ang lahat at maging Masaya ulit tayo. kahit na nagaaway tayo kasi hindi natin nagagawa ung mga plinano nating lakad, may nagawa akong hindi mo nagustuhan, nasaktan kita o sadyang gusto mo lang talaga maghamon ng away. ahahah joke lang. i love you!

akala ko wala ng first na magyayari pa sa atin, ang rami pa pala. first time ko nakanuod sa cinemalaya, akala ko hindi ko magugustuhan ang mga papanuorin natin sa cinemalaya, hindi ko lubos akalain na magaganda pala sila lahat! gusto ko nga sana panuorin lahat nung movies eh pero wala tayong pera. ahahaha natatandaan ko nga sinabi mu sakin na sinungkit mo na lahat nung pera mo sa piggy bank para lang makanuod tayo sa CCP. (hala may utang pa pala ako sa dun).

first time ko rin na nalibot ang intramuros, at pumunta sa mga museums doon. nagustohan ko ung casa.. (ummm hindi ko memorize ung pangalan). nakakamangha ung bahay nila noon noh? sala palang nila buong bahay na naming. nakakaaliw ung mga parte ng bahay nila doon. ang gaganda noong kwarto, iba pa ung sala nila sa lugar kung saan tumatanggap ng bisita. tapos ung altar nila kasing laki na ng C.R. naming, ung dinning room tapos may office pa?! sila na. maganda rin ung fort Santiago pero sayang lang at hindi siya gaano na memaintain. alam mo bebebs may sasabihin ako sa iyo. kaya ko  pa noon na pumunta at libutin ung bahay tsino pero sinabi ko lang sa iyo na pagod na ako kasi wala na akong pera noon. ang mahal kasi noon entrance fee. dapat pala dinala ko ung id ko para nakatipid tayo.. bwahahaha.

bisita inglesia at alay lakad. kahit nakakapagod super fulfilling ang pakiramdam kapag natapos mo. hindi ko lubos akalain na maglalakad tayo 12 something km ata ung nilakad natin o higit pa basta mga limang oras tayo naglalakad. todo tagaktak pawis mo noon. aminado akong mahilig ako maglakad pero hindi naman ganoon na halos kumalas na ung paa ko kakalakad. pero nung narating na natin ung simbahan sa antipolo ay kung anong saya ung naramdaman ko. feeling ko may ginawa ako ng maganda sa buhay ko. sarap ulitin bebebs. next year ulit ah.. (magdadala nko ng maraming damit) naalala ko nanaman ing pisong ice candy. parang suka lang pagbumili ka ng takeout na lumpia. ahahaha

ang dami na nating nagawa no? pero alam kong mas marami pa tayong magagawa sa mga susunod pang taon. bebebs alam mo bang patay na patay ako sa iyo? hinding hindi kita pakakawalan noh. katulad nga noong sinasabi ko sa iyo noon pa man. “malas mo at ako boypren mo” kasi panghabang buhay na ito eh.! bwahaha.
seryoso na bebebs ko. hindi ko sinabi na wala kang dapat pagselosan, magtiwala ka lang sakin bebebs ko kahit anong mangyari ikaw lang ang mahal ko. wala akong pakialam sa kanila. ikaw lang ang importante sa akin. mahal na mahal kaya kita! walang makakapaghiwalay sa atin. kahit saan ka magpunta susundan at susundan parin kita. akin ka lang bebebs ha. please? aminado akong nakakapagselos ung sinasabi mong instructor mo na kahit hindi gwapo ay nakakaakit naman ung talino niya. ano laban ko dun. wala na nga ako beauty, at lalo na wala akong brain. tapos siya nakakasama mo pa eh ako minsan lang. ang dami kong insecurities kasi ang typical ko lang eh. wala naman akong trait na angat sa iba. kaya madali lang akong palitan. waaahhh ang drama pero tutoo. siguro ang mailalaban ko lang eh ung gaano ako kadesperado para sa iyo. ung tipong bahala na basta para sa iyo. gaanun kita kamahal bebebs.. at gaanon parin ita mamahalin hanggang sa susunod pang mga taon.

“I’ll be there when you’re insecure,
Let you know that you’re always lovely,
Girl, cause you are the only thing that I got right now”

lagi mong tatandaan na kahit anong magyari saiyo lang ako at hindi magbabago un hanggang sa dulo ng walang hanggan.

mahal na mahal po kita! at sa muli happy 32th monthsary sa atin!

may sasabihin ako

September 11, 2010
**From Rai's Multiply

hindi mo ito expected noh?. well ako din eh hindi ko expected ito.(joke!). matagal narin simula nung huli kang napadpad dito sa multiply ko at nagbasa ng blog ko, kaya naisip ko magsulat ulit.

sisimulan ko na..

-> hello. hi. nagugutom kna ba?. wait lang hnahanda ko na iyon pagkain natin magbasa ka muna

ang tagal na natin noh? natulog lang ako saglit magdadalawang taon na pala tayo. marami na tayong narating, marami na rin tayo pinagdaanan, mga obstacles, hardships, away, lahat na.. buti hindi ka nagsasawa sa akin? kahit na pasaway ako, makulit at nakakairita. buti ang tiyaga mo sakin.. hindi ko alma kung ano meron sakin pero sana kung anu man iyon ay lagi nasakin yun para hindi mo ako iwanan. para hindi mo makita sa iba un. hayy ang darama ko naman ata. wala lang. i'm just amazed kung ganoo na tayo katagal. alam ko para sa iba ang tinggi nila bali wala lang ung magdadalawang taon ka sa isang relasyon, pero para akin ay pinapahalagahan ko ang bawat segundo na magkasama tayo kahit na puro tulog kain lang ginagawa natin. masaya parin ako kasi magkasama tayo. 

aaminin ko minsan napapatingin akosa ibang babae pero hanggang tinggin lang, kung minsan makikipag-usap pero hanggang usap lang. kahit minsan hindi pumapasok sa isip ko ang lokohin ka. kahit minsan hindi pumapasok sa isip ko na palitan ka. kahit minsan hindi nawawala sa puso akong katagang. "mahal kita". at oo nagseselos ako kapag nababanggit mo iyung ex mo. pasensya na pero hindi talaga maalis sakin yun. natatakot ako na baka bigla ka nilang agawin sakin. binasa ko din ung mga message nila sa iyo.. oo totoo ung sinasabi mo sakin noong isang araw.. hindi ko alang inaamin. binasa ko un kasi gusto ko malaman kung ano pinaguusapan ninyo. alam ko mali iyon pero hindi ko matiis na hindi bukasan kaya nagawa ko ako ang hindi tama. nagawa ko iyon dahil sa selos. nagawa ko iyon kasi mahal kita.

-> malapit na maluto ung ulam. 

slamat. salamat at dumating ka sa buhay ko. hindi ko alam kung nasaan ako ngaun kung wala ka.. marami ka na nagawa sa buhay ko. maraming beses mona rin ako na pa saya, maraming beses mo na rin ako inangat sa mga panahong nadadapa ako. salamat.

-> nakahain na ang pagkain.

bebebs ko mahal na mahal kita. walang isang araw na hindi ka umalis ka sa isip ko.. sana sa akin ay hindi ka magsawa na mahalin ako.. (kailangan ko na bilisan magtype malapit kna magising). patawad sa lahat ng nagawa ko sa iyo. promise magpapapayat na ako.
sana magustuhan mo itong sinulat ko sa iyo. kung nagustuhan mo ito. yakap lang solb na ako.. sige sa susunod ulit bebebs ko.. 

"There's this girl, the one and only wonder of my world
And it don't matter if the road gets rough if i'm rich or poor
She stay down with me if i go to war "

 mahal na mahal kita.

-> "tara kain na tayo"

akalain mong 1 year old na pala tayo!

December 14, 2009
**From Rai's Multiply


"I've been roaming around, I was looking down at all I see
Painted faces fill the places I can't reach
You know that I could use somebody
You know that I could use somebody"

12 months, 365 days, 8760 hours, 525600 seconds

12 months..
(flashback) hindi ko alam kung ano dapat sabihin sa iyo
para akong nangangapasa dilim
hindi ko alam kung tatanggaip mo ba ako o hindi
hindi ko alam kung ako ba ay umaasa lang sa wala 
hindi ko alam kung parehas ba tayo ng ng nararamdaman
marami akong hindi alam pero bahala na.. 
mabuti pang may gawin ako kaysa abutin ako ng wala

AT AKALAIN MO NGA NAMAN!! BUTI NA LANG!!
SINAGOT NIYA NAMAN AKO
(SAPILITAN LANG ATA) 

"Someone like you and all you know and how you speak
Countless lovers under cover of the street
You know that I could use somebody
You know that I could use somebody
Someone like you"
365 days
hindi ko binibilang pero ang bilis lant talaga
mabilis nga talaga ang aogs ng panahon kapag tayo ay masaya
isang masayang araw na lumipas pero ang kapalit ay isang araw na higit pa
hindi naman talaga tula ito eh
sadyang magka-rhyme lang talaga siya
ahahahahaha
"Off in the night while you live it up I'm off to sleep
Waging wars to shake the poet and the beat
I hope it's gonna make you notice
I hope it's gonna make you notice"

8760 hours
gigising ako lagi ng 4:30am tuwing sabado
para makasakay ako ng 5:30am sa bus at makarating ako Ortigas ng 7:00am
hihitayin ko siya sa starbucks o sa tapat ng sitel para hintayin siya
ganyan , gayan ako lagi.. mapawalang pera man o meron
basta dapat lagi masunod ang ganyang routine dahil
gusto niya iyon....
at bawi lahat ang pagod  kapag nakita ko siyang masaya
bawi lahat ang antok nung maramdaman ko ang yakap niya..
 
"Someone like me, someone like me
Someone like me, somebody"
525600 seconds
hindi lahat ay puro saya lang
dadaan din ang oras na may hindi kami mapapagkasunduan
at kapag nagyayari yun
ay ang hirap, parang ang bagal ng oras..
at ang gusto ko lang ay ang makasama siya
binibilang ko ang bawat segundo, matagal
gusto ko na ulit siya makasma
para maayos na ang lahat
ayoko ng ganung pakiramdam
mabigat... mahirap.. malungkot..

"I'm ready now, I'm ready now"

grabe hindi ko bilang, ang bilis ng panahon noh?.. isang taon na tayong.. err TAYO!.. ahaha.. naalala ko yung sinabi mo sakin nung new year, na kung ano ang ginawa mo sa unang araw ng taon ay siyang gagawin mo sa buong taon.. hmm kaya buong taon tayong laging.... magkasama.. ahahaha.. alam ko inisip mo at gusto ko yan.. ahaha.. joke. peace.

tigas mo rin eh, napagtyagaan mo yung ugali ko ng isang taon, nasundan mo yung mood ko, yung trip ko, lahat masundan mo, ultimong paglalakad ko ng walang pahinga nagawa mo akong sabayan.. at alam mo din yung mga ayaw at gusto ko.. kilala mo na talaga ako..
isang taon ba naman eh.. ahahaha ang tyaga mo.. dahil diyan saludo ako sa iyo.

may ups, may downs, may tampuhan, may iyakan
may ayawan, may forgiveness, may sorry,
may i love you, may i love you too
may i miss you, may punta ako diyan
may asaran, may kulitan
may kiss, may hug, may...kiss ulit
may swimming, may inuman
may splash island, may mall of asia
may lunatic, may multiply
may sun, may globe

marami.. marami pang iba.. hindi ko na mabilang ang lahat ng pangyayari sa buhay ko na kasama ka, aabutin ako nagpasko kung babanggitin ko lahat yun.. baka pagtapos na ako eh 2nd anniversary na  natin..

ano ang mga expectations ko para next year?!?
wala! wala ako expectation go with the flow of our life . i'm just happy that i would be spending another year with you. even though that there are times that i've been so stubborn  and unfair and always failing to change for the best that you deserve.. T_T
I'm so much happy ang contented in my life right now. i couldn't ask for anything else.
pause(sheeet english... hindi ko na kaya kaya tagalog na lang ulit)
resume.

salamat. yan lang ang masasabi ko sa iang taon nating pagsasama.
salamat sa lahat ng nagawa mo sakin natalaga naman napasaya ako
salamat kasi binigyan mo ako ng ubod ng raming chance para makabawi sa mali ko
salamat kasi hindi ka nawala sa mga panahong down ako
salamat kasi nililibre mo ako cheeseburger ^_^
salamat kasi nandiyan ka para makinig sa himumutok ko
salamat sa tiyaga mo sakin at higit sa lahat..
salamat sa walang kapantay na pagmamahal na binigay mo sakin..




Someone like you, somebody

I've been roaming around, I was looking down at all I see

Rai <3 lei
end of story....

(kabanas.. wala ako makuha pics sa multiply.. grrr topak kasi)

Questions.... Answered.

July 15, 2009
**From Rai's Multiply

lei - "questions by blaque. try mo pakinggan"

ako - "okay cge ppkinggan ko.."

upon reading the lyrics , gave me an idea.

Questions by blaque

[chorus]
but when u look at me, do u see your wife? 
-> not only that i see my wife.. but i also see my future too..
can you picture us loving' each other for life? 
-> of course that the only reason i'm waking up every morning..^_^
are you playing' the role, just like the rest 
-> hindi ko kaya kaya yun.. pasensya na ahh.. seryoso ako sa iyo eh..

these are the questions that I ask myself 

if, another should come, who's finer than me 
and she wanna take your love away, would u leave?
-> hindi nga is it even possible?.. finer than you?? wala atang ganun..
pero since natanong na lang din.. you know my answer will be the same.
just like what have you said to me..

"i never thought that i'll be cheating on you, yeah it crossed my mind but that's it. (ito na yung paborito kong part) i love you too much that i can't gamble my love for just petty flirting. i love you now.. and will be forever faithful to you"

mula pa naman noon eh, kahit hanggang nagyon. hindi magbabago nararamdaman ko sa iyo
kahit gaano ka pa kalayo, hindi ko magagawang lokohin ka.

message:
ang araw na kasama ka ay parang araw na ayoko na matapos.. masaya.. tawa kung tawa.
halakhak kung halakhak.. akala mo tayo lang ang tao sa mundo.. walang paki kung sino man ang makakita. ganun. ganun ka saya. ikaw. kaya mo bigyan ng ngiti ang aking mukha. ikaw lang naman nakakapgpasaya sakin. waaaaaaahhhh..  miss na kita mahal ko. pasensya na sa mga ngawa ko sa iyo.. 

i love you so much!!!

"for now and forever... i'll be your man"

To the 7th Power

July 14, 2009
**From Rai's Multiply

warning:
this is not for you 
this is only for my lei

you have been warned

Challenges. the only thing that.. errr.. ummm .. CUT!!!
(okay hindi ko kinaya ang english kaya sa ayaw ko man at sa ayaw magtatagalog ako.)
RESUME: balik sa simula

Pagsubok. ang bagay na talagang ayaw tayo tantanan. yan ang narasanan ko habang papunta tayo sa ating pang pitong buwan ng kaarawan nila jj at bestfriend. joke. pangpitong buwan na kaarawan ng ating pagmamahalan(oha.. ang lalim). mula sa bawas na oras na ating pagsasama, ngayon ay  mga nakaw(literal) na sandali na lang ang meron tayo, mula sa kalahating araw na pagbababad sa telepono, ngayon ay 20 mins tawagan nlng salamat sa 236 maaasahan talaga. marami. maraming nagbago. at ang malupit pa niyan, nagsisismula palang tayo.

ako rin naman eh nahihirapan din ako sa nagyayari sa atin, nasanay na ako na paggising ko sa umaga una kitang nakikita.. tulog pa.. sanay ako sa lagi nating paguusap kahit na pinagtyatyagaan mo nalang sung sintunado kong boses matuloy lang ang paguusap natin sa telepono, nasanay akong hindi na ako yung maghuhugas nun pinggan kasi ikaw na gagawa nun.. ahahaha joke lang yung huli..

miss ko na lahat iyon. miss na miss ko na

marami. marami na tayong hindi nating magawa ngayon na normal nating ginagawa noon..
mahirap. pero sinusubukan kong maging malakas para sa iyo. para sa atin. naniniwala akong kaya pa ito at hindi ang mga ganitong klaseng hadlang ang tatapos satin.. aba.. hindi ata ako makakapayag noon.. bawal!

kapag napanghihinaan ako ng loob sinasabi ko lang sa sarili ko na hindi rin ito magtatagal.. nabasa ko yung blog mo at tama ka..
isa isa ring mauubos ang lahat ng pagsubok na binigay sa ating.. at sa huli magiging matatag pa tayo kaysa sa dati. tapos pagdating nung december.... weeeeeee.. atat na ako..

lei ko, pasensya na kung minsan napapasa ko sa iyo yung sama nung loob ko, ang dami ko na palang utang sa iyo.. babawi din ako. makakabawi din ako sa iyo.. balang araw..^_^

salamat din. salamat sa lahat ng mga nagawa mo sakin. sobrang laking bagay nung mga nggwa mo for me.. 

mahal ko. wala akong hiniling kung hindi ang parating nasa tabi mo. sa yakap mo lang ako nagkakaroon ng  saya sa mundo ko, lagi mo ako napapangiti sa mga sweet mong text sakin. miss ko na ang lahat ng tungkol sa iyo. kung pwede lang gusto kita lagi dito sakin. katabi.  kawentuhan. kakulitan. kadamay. at higit sa lahat kayakap.. miss ko na lahat iyun..


isa lang kaya ko bigay sa iyo.. ako.. 




Flashback:
ang bilis ng panahon. gigising nalang ako mamaya eh nakarami na pala tayo.. ng buwan.. ahahahaha...

June 23, 2009

"You said you loved me, More than anyone else could ever know"
-> mga katagang akin paring hinanghahawakan kahit na wala nangsaysay. "okay lang naman magmahal ng taong hindi ka mahal, nasasayo din naman yun eh. kung yung lang nakakapagpasaya sa iyo edi ituloy mo lang, sooner or later baka sakali mapansin ka niya. pero dapat handa ka lang sa mga nakaabang napaghihirap nito. kahit baka ang taong mahal mo ay hindi ka na papansinin o mapapasin habang buhay, handa ka ba sumugal para sa kaligayahan mo?" ako.. handa ako ibigay lahat para sa kaligayahan ko.

huli na ata para sabhin ko ito, wala na din eh. pero okay lang. dito ako masaya eh.

"But now you're leaving, Can't we just try to work this out"
-> "Wag! hindi naman kita tinutulakeh, please lang bumalik ka na sakin, magiging okay lang ang lahat, wag mo ako iwan, wag mo naman ako sukuan.. ayoko mawala ka, please...

"And I've never been one to beg"
-> nagmamakawa ako, gagawin ko lahat, wag mo lang ako iwan"
.. basa ang mata, masikip sa baga, ang hirap huminga, hindi ko pala kaya magtext at umiyak ng sabay, humahagulgol ako pero tinakpan ko ng unan ang mukha ko para walang makarinig, wala din naman sense kung marinig ako ng iba, wala din naman makakatulong sakin eh. wala. wala.

"The nights get lonely, And all I have left is a memory of you"
-> mag-isa? sanayan lang yan. ganun naman talaga eh, wala din naman ako masisi kung hindi ang taong nasa harap ko kapag tumitinggin ako sa salamin, nasa kanya ang lahat ng pwede ko isisi. 

alalala. isang alalalang hindi ko mabitawan, isang alalala na minsan naging masaya ako, na minsan ginusto kong gumising sa umaga marinig ko lang boses mo, na minsan nasabi ko sa sarili kong. "ang saya mabuhay"

"I tried to say this, But now there's nothing left for me to do"
-> nalulunod na tayo, hindi na mabilang kung ilang tubig na ang nalunok ko, tuloy lang kahit hindi ko na maramdaman ang mga paa ko, tuloy lang.. umaasa ako, umaasa ako na masasagip tayo, masasagip kung ano meron tayo, masasagip kung ano tayo. umaasa ako, naniniwala. kahit kaunting ilaw na lang ang nakikita ko... umaasa ako..

umaasa ako..

umaasa ako..  

"And I've never been one to beg"
-> umaasa ako.. na pwede pa tayo.

"Please don't go, just stay, I watched with tears in my eyes as you walked away"
->"ayoko maghanap ng iba, hindi ko rin kaya na makita kang masaya sa iba, pasensya na kung unfair ako, pero hindi ko talaga alam gagawin ko kapag nawala ka... kaya pa natin ito"

mga sinabi mo noong hindi ka na nagpaparamdam, hindi parin ako tumitigil, alam ko umiiyak ako kahit na wala nang tumutulong luha sa mata ko, hindi ko alam kung anong oras na, hindi ko alam kung umaga na, nakikipagtitigan lang ako sa kisame, baka sakaling alam niya kung akon dapat isagot, baka alam niya.. sana lang talaga... alam niya..

"Miss your voice, and your touch, And if I told you I loved you could that be enough?"
-> yakap mo. mga yakap mong wala akong masabi, mga yakap na naniniguradong magiging okay ang lahat. kamay mong nakahawak sakin, ganito pala iyon. ganito pala kasakit, gusto na ulit kita makita, kahit sa huling sandali, gusto kita mayakap, mahawakan ang kamay mo, para kahit papaano may baon ako sa pag-iisa ko, isang alalala na naramdaman ko ang mahigpit mong yakap, kung gaano kainit ang iyong pagmamahal. 

kahit isang saglit lang ulit, maramdaman ko sana ulit..


"An awkward silence, It's been too long since I've heard from you"
->boses mo, boses mo na gustong gusto kong marinig, boses nga nagsasabi sakin na hindi ako nagiisa, boses na nagpaparamdam sakin kung ano ang ibig sabihin nag pagiging masaya, boses na kung pwede ko lang sa hulihin, boses na kung pwede ko lang angkinin, boses na galing sa labi mo, boses na nagsasabing ... "mahal na mahal kita"

"And I lay sleepless, Knowing that my heart still belongs to you"
-> handa ako sa kung gaano kasakit ang landas na tatahakin ko, okay lang kahit hindi na ako mapansin, okay lang kahit hindi na ako talaga pansinin.. hindi ko naman masisi kung iwan lang itong nakatiwangwag sa kanto, okay lang hindi na itapon ng sa kung saan-saan, ang mahalaga, naibigay ko.. naibigay ko ang puso ko sa taong mahal ko, okay lang kung baliwalain niya ito pupulutin ko ulit tapos bibigay ko ulit sa kanya, paulit ulit lang hanggang sa handa na kami tanggapin ang isa't isa..

hayaan mo akong ikulong ang sarili ko saiyo, okay lang kahit tanggihan mo ako, sanay na din naman ako eh. kahit ayoko na maulit, sadyang ganun talaga, tanga ako. tanga dahil hindi kita hinawakan mabuti, ang dami kong mali na hindi ko man lang naisip na ayusin agad habang may panahon pa. kaya ngayon.. pinagdudusahan ko na lahat..


"And I've never been one to beg"



"And tonight I'll stay home and miss you more than you'll ever know"
-> umiyak lang ako. wala na ako nagawa.. nakaupo ko lang pinanuod kung paano nawala ang pinakaimportanteng bagay sakin. 

hindi ko kailangan ng kotse,iphone o kahit ano pa man, 

isa lang kailangan ko. 

siya lang...

Entrance, Run, Exit


May 26, 2009
**From Rai's Multiply

it's never my intention, it never is
lost in a world of spiraling dimensions
did i really make the right decision?
did i really want this for my personal mission?

I'm painting a whole wall of lies, nothing has been true
it was never my intention, never my plan
but now, I'm into this.. guess have to endure the whole span
just keep running, got to keep running..
 
I close my eyes in tears, felt the breeze in my skin
i sat on the open space, open a drink or two..
guess i have to endure it, oh boy i hope i could..

i know what you've read makes no sense
but i just got to let it out, in a way i can..
no fancy phrase, no deep words
only my thoughts, that would never come through..

in slow motion.

Feb 27, '09 11:54 AM
**From Rai's Multiply


one................................ two................................ three........................... why the hell did i agree into this?!?. (note to self:NEVER do this again). every second feels like an eternity. an agreement that i can't follow.
para lang akong bumalik sa dati. malungkutin. balisa at plastik. oo tama ang nabasa mo.. plastik. plastik sa ibang tao na okay lang ang lahat. plastik dahil ako ay masaya na may suot na mahabang at pekeng ngiti sa mukha. kakausapin ako ng mga tao at sasagot naman ako na parang okay lang ang lahat. (EMO mode: ON). tahimik. nakakabingi. tinggin sa cellphone. walang importanteng text. balik sa upuan.kuha ipod. soundtrip.walang magawa. parang may kulang.. may kulang... kulang..
bilang lahat ng bawat minuto. atat na parang may bubuksan na regalo. pero sa lagay ko.. wala. walang regalo. tawag. isang tawag. isang boses. isang tao.
miss ko na siya. kamusta na kaya siya? nakakain na kaya siya ng breakfast?.sana nasa mabuti siyang kalagayan.

(bulong sa hanggin: miss na miss na kita lei!!)

pumatak ang luha.

tik....tak... tik... tak...tik..........
balik sa upuan ang katawan.
pero nawala ang kaluluwa sa kung saan...

Round 1, 2, 3.

February 11, 2009
**From Rai's Multiply
**First Petty Fight

"I know sometimes it's gonna rain, But baby, can we make up now?
'Cause I can't sleep through the pain"
- Mad

ROUND 1:OVERVIEW
okay sa tagalog ako magsusulat ngayon. una dahil sa wala ako sa mood mag-"english" at pangalawa ay dahil sa mas madali akong makapagsulat, mabilis at may patutunguhan.

"hindi ko ginusto na mali ang maiparating ko sa iyo..." yan ang mga salitang tumatakbo sa aking isipan ngayon. kung hindi ba naman ako isa't kalahating may sayad eh dapat sa ibang paraan ko nalang sinimulan ang pagsasabi sa kanya. nag"segway" pa kasi ako eh.. kaartehan ko talaga. at ano ang napala ko? nasaktan ko siya.. nasaktan. tae talaga. sa susunod talaga straight to the point na ako. kainis.

lesson learned: maraming nadidisgrasya sa kaartehan.
note to self: tandaan!

"My stupid mouth has got me in trouble, i said to much again"
- my stupid mouth

ROUND 2: SCENARIO
ito sana yung dapat na sinabi ko
straight to the point
english o tagalog?? english na lang para may effect.. oopps tagalog na nga lang baka magkamali pa ako sa english. kailangan isabuhay ang aral na aking natutunan sa gabing ito.
->natuwa ako sa blog niya. sa katunayan nga eh may naramdaman pa akong kilig na may halong pagkamiss. nung binabasa ko yung blog, sobrang overwhelmed ako kasi ang sweet niya doon. kaya lalo ko pa siyang namiss.. hayyssss... natuwa rin ako dun sa nabasa kong comment sa kanya (tatagalugin ko na lang kasi english yung pakaksabi noong kausap niya) "ikaw ah. mukhang masaya ka talaga sa boyfriend mo ahh"
ako: aaaawwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwww
sapul.

"Masdan mo giliw, langit sa piling mo
Mundo'y gumaganda, Bawat hinga'y laan sa yo
Sa bawat ihip, at bulong ng hangin ay
Mundo'y iikot lang, sa iyo"
- Buwan

Round 3:REDEMPTION
message ko para kay lei: una sa lahat gusto ko humingi ng tawad. pasensya na. hindi ko intensyon na ganoon ang maparating ko sa iyo. ang tutoo niyan ay sobrang naaapreciate ko yung ginawa mo para sakin. hindi ko kayang tumbasan yun. kahit na kailan hindi kita binabalewala. pasensya na. hindi ko binabaliwala yung effort mo para sakin. sa tutoo niyan ay sobrang natutuwa pa ako doon sa mga blogs mo. hayyyyzzzz... i'm really sorry..T_T. sana may magawa akong way para makabawi sa iyo. para mafeel mo kung gaano ka kaimportante sakin. sana lang talaga may magawa ako para hindi kana magalit sakin.
                                                                                                                        explain pa ako eh..

A marvieluz life to my point of view

January 18, 2009
**From Rai's Multiply
**His first ever virtual declaration of love for me. :")

this is supposed to be my letter for you since i didn't had anything to give you in our very first monthsary.. but instead i'll write about what i been to in the past... one month.. ahaha

yan! yan ang babaeng laging akong pinagtri-tripan. hindi kumpleto ang araw niya 
hanggat hindi niya ako pinagtri-tripan. minsan uuwi na lang akong namamaga ang braso sa dami ng kurot na natanggap ko.ewan ko ba. siguro dahil na rin sa medyo mataba ako kaya sarap na sarap siyang kurutin ako. pero ok lang yun. hindi ako nagrereklamo. kung iyun lang naman ang matatanggap ko at kung yun lang naman ang kailangan para makasama lang siya, malugod akong magpapakurot hanggang sa dumugo na ang braso ko o matuklap na ang balat ko. sino siya kamo?

siya si Marvie Luz Castilla a.k.a. "lei". nakilala ko siya sa isang "on-line social netw
ork" na pinakilala sakin ni ervin. simula doon ay hindi ko lubos maisip na sa simpleng katuwaan lang ng pagsali ko doon ay magiiba ang takbo ng buhay ko. dati kasi hindi kami gaanong close, simpleng batian lang at kamustahan ang lagi naming napag-uusapan. hanggang sa lumalim ng lumalim ng lumalim ang ang pag-sasama sa puntong hindi ko na alam kung anong susunod. ay alam ko pala. hanggang sa lagi na kaming umaalis at nagpupunta sa kung saan. hindi nagtagal ay hinahanap hanap ko na siya at sa huli ay mahal ko na pala siya. muntik pa nga siyang mawala sakin pero buti na ang at hindi iyun natuloy at naging kami. kailan ba kamo?? nung December 15, 2008 lang naman. 

maraming beses na rin kaming nagkakasama ni lei laging masaya ang aming pagsasama feeling ko nga ang tagal na namin magkasama pero isang buwan pa lang na kami.dahil siguro literal na lagi kaming magkasama. kung saan saan na nga kami na kapunta eh. feel ko nga nalibot ko na ang buong edsa kaka-gala kasama siya. pero tatlong mall lang naman ang aming pinuntahan. MOA, GLORIETTA at PROMENADE. ang ganda  pala sa promenade kahit isang beses  pa lang ako nakapunta doon.. eh.. talagan namang gandang ganda ako sa lugar at ang sarap balik balikan.lalo akong natuwa sa lugar kasi sa laki nong fully-booked doon. ahaha. dami pagpipilian ang saya. marami na  din akong nagawang bago sa buhay ko at isa na ata dito ay ang karanasan kong umuwi ng maaga. hindi basta bastang umaga lang kung hindi yung tipong 6am na ng umaga.. ahahaha take that for new experience. ahahahaha...

sa isang buwan na nagkasama kami bilang kami. wala na akong mahihiling pa. masaya ang buhay makulay. ang dami kong naranasan marami akong natutunan. may mga maganda at may mga mas maganda pa. isang buwan pa lang yan. maraming tuwa may iyak din. hindi naman siguro maiiwasan yun eh, pero ang importante ay naaayos ang lahat. Lei salamat sa pagdating mo sa buhay ko kaya kukunin ko ang oportunidad na ito para sabihin sa iyo na mahal kita.^_^ salamat sa lahat ng nagawa mo para sakin lalong lalo na sa pagiging pasenyosa mo sa ugali kong minsan ay nakakainis, salamat at nakiklala kita, salamat at nakilala mo ako higit pa sa pagkakilala ng iba. lei. salamat.. teka mushy na ata..^_^




"ONE DOWN...FOREVER TO GO.. HAPPY MONTHSARY LEI"

Remember


October 6, 2008
**From Rai's Multiply

Flight across the middle of ecstasy
Over this blinding light I wanted to see
Rhythmic waves eluded my ears
Every step that we makes, takes all of my fears
Very much more if we could dance this night away
Every move that we know just to sway
Remembering this could last forever

It’s like I’ve waited for this one night
Neither of us knows what this could feel like
Taking every second just to make it last
Heaven scented dreams that I want to be
Enjoying the moment, remembering forever

Doing all the things I have in mind
An upbeat music started to rise
Not know what we should do
Can I hold your hand and dance with you?
Enveloped by the music, pushed by two hearts

From the beginning I think I couldn’t stop
Leaving all things behind just to be with you
Over this feeling that is so amazing
Opening our senses drifting through the evening
Remembering this day would last… forever

UNTITLED

October 6, 2008
**From Rai's Multiply

i see the world in the different point of view
wondering to the sands of time i realized something new
a concluding thought slip to my worried mind
nothing more but i wish someone will find
the place where i live, the place where i hide

to bothered to think or even ask why?
others see me good, but its all a lie
deep feeling of lossing i begin to embrace
i keep on falling, am i last in the race?

even sorting out thing won't do no good
nothing could compare or the things that i could
opening wounds like it was just yesterday
wondering if anyone would find me in this place

Another mistake for the third time around


September 29, 2008
**From Rai's multiply

since i've got nothing to do i decided to write [again] asomething about nothing..huh? so here it goes:

THE CRIMSON POINT OF VIEW

will you remember this story of the unwritten thoughts?
as i see those elusive smile across his arms
i know what that feels like and it hurts deep inside
deafening silence embarks in my mind to a full blast

i want to stay in love with my sorrow
here in the darkness i know myself
i can't break free until i let it go
in this four side cliched room i started to fall
pouring, screaming, crying, bleeding..

i couldn't hide the emptiness inside
letting out a convincing smile to fool everyone
pushing everyone like their the enemy
i don't believe in everyone other that myself

i try to hide the pain only to bleed more
i try to keep the pain only to feel it more
i try to seal the pain only to drown more
i try to deny the pain only to make it grow

salvation is just a dream for me to free
i will never be free from this damn heart of stone
i will never be able to see the light again
only this self righteous suicide, i'm expecting

i want to stay in love with my sorrow
here in the darkness i know myself
i can't break free until i let it go
is this four side cliched room i started to fall
pouring, screaming, crying, bleeding..

Another day in Hopeless Wonderland


September 23, 2008
**From Rai's Multiply

Inside this never ending quest to get out of this place
A dark and trembling fear started to grow inside my space
Making me shiver as a blot of wind crashes down to my face

Right smack in the middle, i was attacked out of nowhere
An abysmal figures take me to a place without hope
Yet i was in the open looking for no one
Another day i fought to the brink of destruction
No one in sight i cried for some one
Nowhere i found, a different twisted sensation

Meandering experience a felt
Exaggeration all the thoughts inside myself
No one cares, so i'll pour it all out.
Doing nothing but trying to heal my wounds
Owning my feeling, i think that i'm worn out
Zephyr that's rushing deeply in my skin
Another day of sadness in this hopeless wonderland

A Dazzling Feeling, In This Litte Space

August 28, 2008
**From Rai's multiply


WARNING: MAY CONTAIN CERTAIN AMOUNT OF NON-SENSE
VIEWERS DISCRETION IS ADVISED


untitled

A twisted smile across my face 
A cut to the wrist, a knife in hand
A dizzying feeling I embrace
A dazzling feeling, in this little space

Ohh I feel so alive with every slit I take
Still thinking of you in every breath I make
Thought so sad that I’m all drained
I slit again, what a feeling that will never be the same

Stupid as it seemed but no one will understand
 This ecstasy of enjoyment, I started to grip
Bleeding myself out, lying in the floor
I stared across the moon lit sky with no one to hold

A twisted smile across my face 
A cut to the wrist, a knife in hand
A dizzying feeling I embrace
A dazzling feeling, I felt in this little space

Friday, November 23, 2012

One, two, three...

August 22, 2008
**From Rai's Multiply

ISA                                LIMA                                                  SIYAM
isang araw na                 limang buwan na pala                   siyam na beses pinaikot
hindi ko kayang              ang lumipas pero                         ang cutter sa aking
kalimutan                       parang kahapon lang                    mga kamay

DALAWA                        ANIM                                                 SAMPU
dalawa tayong                 anim na linggong                         sampung dumudugong sugat
nangarap na parang         wala akong ginawa                       na hindi kayang palitan
walang bukas                  kung hindi magmukmok                ang sakit dala ng....

TATLO                             PITO                                                     ISA
tatlong oras                      pitong beses na paulit-ulit              isang araw na
tayong nag-usap               kong sinigaw ang                          hindi ko parin
na parang saglit lang         pangalan mo                                makalimutan..

APAT                               WALO
apat na salitang                 walong segundo ng katahimikan
tumatakbo parin                 pero nakakabinggi sa
sa aking isipan                  aking mga tenga