Saturday, November 24, 2012

32th and still counting!

August 16, 2011
**From Rai's Multiply


bebebs! happy 32th monthsary for us.  ang tagal na natin noh? buti naman at hanggang ngayon ay gumagana parin ung pinainom ko sa iyo na gayuma. ahaha  gayun pa man ay Masaya ako at hanggang ngayon ay hindi ka pa rin sawa sa akin, kahit na paminsan pinsan wala tayong exciting na ginagawa, ung hindi tayo gumagala sa kung saang parte ng pilipinas, ung hindi tayo nakakanuod ng gusto nating palabas sa sine. okay lang sa iyo kung tambay muna tayo kasi wala tayong pera pa panggala. salamat!

balak ko talaga itong itype in English pero sadyang kupas na ung vocabulary ko at hindi ko na kaya magtype ng English fluently.  its been almost 2 and a half years since we’ve been together..err parang hindi ata yan ung gusto kong sabihin., tagalong na nga lang. dalawang taon at walong buwan na tayong nagsasama at hanggang ngayon hindi pa rin nagsisink in sakin na ang tagal na natin. biruin mo sa dinamidamin nating pinagdaanan ay nagagawa parin natin mayos ang lahat at maging Masaya ulit tayo. kahit na nagaaway tayo kasi hindi natin nagagawa ung mga plinano nating lakad, may nagawa akong hindi mo nagustuhan, nasaktan kita o sadyang gusto mo lang talaga maghamon ng away. ahahah joke lang. i love you!

akala ko wala ng first na magyayari pa sa atin, ang rami pa pala. first time ko nakanuod sa cinemalaya, akala ko hindi ko magugustuhan ang mga papanuorin natin sa cinemalaya, hindi ko lubos akalain na magaganda pala sila lahat! gusto ko nga sana panuorin lahat nung movies eh pero wala tayong pera. ahahaha natatandaan ko nga sinabi mu sakin na sinungkit mo na lahat nung pera mo sa piggy bank para lang makanuod tayo sa CCP. (hala may utang pa pala ako sa dun).

first time ko rin na nalibot ang intramuros, at pumunta sa mga museums doon. nagustohan ko ung casa.. (ummm hindi ko memorize ung pangalan). nakakamangha ung bahay nila noon noh? sala palang nila buong bahay na naming. nakakaaliw ung mga parte ng bahay nila doon. ang gaganda noong kwarto, iba pa ung sala nila sa lugar kung saan tumatanggap ng bisita. tapos ung altar nila kasing laki na ng C.R. naming, ung dinning room tapos may office pa?! sila na. maganda rin ung fort Santiago pero sayang lang at hindi siya gaano na memaintain. alam mo bebebs may sasabihin ako sa iyo. kaya ko  pa noon na pumunta at libutin ung bahay tsino pero sinabi ko lang sa iyo na pagod na ako kasi wala na akong pera noon. ang mahal kasi noon entrance fee. dapat pala dinala ko ung id ko para nakatipid tayo.. bwahahaha.

bisita inglesia at alay lakad. kahit nakakapagod super fulfilling ang pakiramdam kapag natapos mo. hindi ko lubos akalain na maglalakad tayo 12 something km ata ung nilakad natin o higit pa basta mga limang oras tayo naglalakad. todo tagaktak pawis mo noon. aminado akong mahilig ako maglakad pero hindi naman ganoon na halos kumalas na ung paa ko kakalakad. pero nung narating na natin ung simbahan sa antipolo ay kung anong saya ung naramdaman ko. feeling ko may ginawa ako ng maganda sa buhay ko. sarap ulitin bebebs. next year ulit ah.. (magdadala nko ng maraming damit) naalala ko nanaman ing pisong ice candy. parang suka lang pagbumili ka ng takeout na lumpia. ahahaha

ang dami na nating nagawa no? pero alam kong mas marami pa tayong magagawa sa mga susunod pang taon. bebebs alam mo bang patay na patay ako sa iyo? hinding hindi kita pakakawalan noh. katulad nga noong sinasabi ko sa iyo noon pa man. “malas mo at ako boypren mo” kasi panghabang buhay na ito eh.! bwahaha.
seryoso na bebebs ko. hindi ko sinabi na wala kang dapat pagselosan, magtiwala ka lang sakin bebebs ko kahit anong mangyari ikaw lang ang mahal ko. wala akong pakialam sa kanila. ikaw lang ang importante sa akin. mahal na mahal kaya kita! walang makakapaghiwalay sa atin. kahit saan ka magpunta susundan at susundan parin kita. akin ka lang bebebs ha. please? aminado akong nakakapagselos ung sinasabi mong instructor mo na kahit hindi gwapo ay nakakaakit naman ung talino niya. ano laban ko dun. wala na nga ako beauty, at lalo na wala akong brain. tapos siya nakakasama mo pa eh ako minsan lang. ang dami kong insecurities kasi ang typical ko lang eh. wala naman akong trait na angat sa iba. kaya madali lang akong palitan. waaahhh ang drama pero tutoo. siguro ang mailalaban ko lang eh ung gaano ako kadesperado para sa iyo. ung tipong bahala na basta para sa iyo. gaanun kita kamahal bebebs.. at gaanon parin ita mamahalin hanggang sa susunod pang mga taon.

“I’ll be there when you’re insecure,
Let you know that you’re always lovely,
Girl, cause you are the only thing that I got right now”

lagi mong tatandaan na kahit anong magyari saiyo lang ako at hindi magbabago un hanggang sa dulo ng walang hanggan.

mahal na mahal po kita! at sa muli happy 32th monthsary sa atin!

0 comments:

Post a Comment