Saturday, November 24, 2012

June 23, 2009

"You said you loved me, More than anyone else could ever know"
-> mga katagang akin paring hinanghahawakan kahit na wala nangsaysay. "okay lang naman magmahal ng taong hindi ka mahal, nasasayo din naman yun eh. kung yung lang nakakapagpasaya sa iyo edi ituloy mo lang, sooner or later baka sakali mapansin ka niya. pero dapat handa ka lang sa mga nakaabang napaghihirap nito. kahit baka ang taong mahal mo ay hindi ka na papansinin o mapapasin habang buhay, handa ka ba sumugal para sa kaligayahan mo?" ako.. handa ako ibigay lahat para sa kaligayahan ko.

huli na ata para sabhin ko ito, wala na din eh. pero okay lang. dito ako masaya eh.

"But now you're leaving, Can't we just try to work this out"
-> "Wag! hindi naman kita tinutulakeh, please lang bumalik ka na sakin, magiging okay lang ang lahat, wag mo ako iwan, wag mo naman ako sukuan.. ayoko mawala ka, please...

"And I've never been one to beg"
-> nagmamakawa ako, gagawin ko lahat, wag mo lang ako iwan"
.. basa ang mata, masikip sa baga, ang hirap huminga, hindi ko pala kaya magtext at umiyak ng sabay, humahagulgol ako pero tinakpan ko ng unan ang mukha ko para walang makarinig, wala din naman sense kung marinig ako ng iba, wala din naman makakatulong sakin eh. wala. wala.

"The nights get lonely, And all I have left is a memory of you"
-> mag-isa? sanayan lang yan. ganun naman talaga eh, wala din naman ako masisi kung hindi ang taong nasa harap ko kapag tumitinggin ako sa salamin, nasa kanya ang lahat ng pwede ko isisi. 

alalala. isang alalalang hindi ko mabitawan, isang alalala na minsan naging masaya ako, na minsan ginusto kong gumising sa umaga marinig ko lang boses mo, na minsan nasabi ko sa sarili kong. "ang saya mabuhay"

"I tried to say this, But now there's nothing left for me to do"
-> nalulunod na tayo, hindi na mabilang kung ilang tubig na ang nalunok ko, tuloy lang kahit hindi ko na maramdaman ang mga paa ko, tuloy lang.. umaasa ako, umaasa ako na masasagip tayo, masasagip kung ano meron tayo, masasagip kung ano tayo. umaasa ako, naniniwala. kahit kaunting ilaw na lang ang nakikita ko... umaasa ako..

umaasa ako..

umaasa ako..  

"And I've never been one to beg"
-> umaasa ako.. na pwede pa tayo.

"Please don't go, just stay, I watched with tears in my eyes as you walked away"
->"ayoko maghanap ng iba, hindi ko rin kaya na makita kang masaya sa iba, pasensya na kung unfair ako, pero hindi ko talaga alam gagawin ko kapag nawala ka... kaya pa natin ito"

mga sinabi mo noong hindi ka na nagpaparamdam, hindi parin ako tumitigil, alam ko umiiyak ako kahit na wala nang tumutulong luha sa mata ko, hindi ko alam kung anong oras na, hindi ko alam kung umaga na, nakikipagtitigan lang ako sa kisame, baka sakaling alam niya kung akon dapat isagot, baka alam niya.. sana lang talaga... alam niya..

"Miss your voice, and your touch, And if I told you I loved you could that be enough?"
-> yakap mo. mga yakap mong wala akong masabi, mga yakap na naniniguradong magiging okay ang lahat. kamay mong nakahawak sakin, ganito pala iyon. ganito pala kasakit, gusto na ulit kita makita, kahit sa huling sandali, gusto kita mayakap, mahawakan ang kamay mo, para kahit papaano may baon ako sa pag-iisa ko, isang alalala na naramdaman ko ang mahigpit mong yakap, kung gaano kainit ang iyong pagmamahal. 

kahit isang saglit lang ulit, maramdaman ko sana ulit..


"An awkward silence, It's been too long since I've heard from you"
->boses mo, boses mo na gustong gusto kong marinig, boses nga nagsasabi sakin na hindi ako nagiisa, boses na nagpaparamdam sakin kung ano ang ibig sabihin nag pagiging masaya, boses na kung pwede ko lang sa hulihin, boses na kung pwede ko lang angkinin, boses na galing sa labi mo, boses na nagsasabing ... "mahal na mahal kita"

"And I lay sleepless, Knowing that my heart still belongs to you"
-> handa ako sa kung gaano kasakit ang landas na tatahakin ko, okay lang kahit hindi na ako mapansin, okay lang kahit hindi na ako talaga pansinin.. hindi ko naman masisi kung iwan lang itong nakatiwangwag sa kanto, okay lang hindi na itapon ng sa kung saan-saan, ang mahalaga, naibigay ko.. naibigay ko ang puso ko sa taong mahal ko, okay lang kung baliwalain niya ito pupulutin ko ulit tapos bibigay ko ulit sa kanya, paulit ulit lang hanggang sa handa na kami tanggapin ang isa't isa..

hayaan mo akong ikulong ang sarili ko saiyo, okay lang kahit tanggihan mo ako, sanay na din naman ako eh. kahit ayoko na maulit, sadyang ganun talaga, tanga ako. tanga dahil hindi kita hinawakan mabuti, ang dami kong mali na hindi ko man lang naisip na ayusin agad habang may panahon pa. kaya ngayon.. pinagdudusahan ko na lahat..


"And I've never been one to beg"



"And tonight I'll stay home and miss you more than you'll ever know"
-> umiyak lang ako. wala na ako nagawa.. nakaupo ko lang pinanuod kung paano nawala ang pinakaimportanteng bagay sakin. 

hindi ko kailangan ng kotse,iphone o kahit ano pa man, 

isa lang kailangan ko. 

siya lang...

0 comments:

Post a Comment