July 14, 2009
**From Rai's Multiply
warning:
this is not for you
this is only for my lei
you have been warned
Challenges. the only thing that.. errr.. ummm .. CUT!!!
(okay hindi ko kinaya ang english kaya sa ayaw ko man at sa ayaw magtatagalog ako.)
RESUME: balik sa simula
Pagsubok. ang bagay na talagang ayaw tayo tantanan. yan ang narasanan ko habang papunta tayo sa ating pang pitong buwan ng kaarawan nila jj at bestfriend. joke. pangpitong buwan na kaarawan ng ating pagmamahalan(oha.. ang lalim). mula sa bawas na oras na ating pagsasama, ngayon ay mga nakaw(literal) na sandali na lang ang meron tayo, mula sa kalahating araw na pagbababad sa telepono, ngayon ay 20 mins tawagan nlng salamat sa 236 maaasahan talaga. marami. maraming nagbago. at ang malupit pa niyan, nagsisismula palang tayo.
ako rin naman eh nahihirapan din ako sa nagyayari sa atin, nasanay na ako na paggising ko sa umaga una kitang nakikita.. tulog pa.. sanay ako sa lagi nating paguusap kahit na pinagtyatyagaan mo nalang sung sintunado kong boses matuloy lang ang paguusap natin sa telepono, nasanay akong hindi na ako yung maghuhugas nun pinggan kasi ikaw na gagawa nun.. ahahaha joke lang yung huli..
miss ko na lahat iyon. miss na miss ko na
marami. marami na tayong hindi nating magawa ngayon na normal nating ginagawa noon..
mahirap. pero sinusubukan kong maging malakas para sa iyo. para sa atin. naniniwala akong kaya pa ito at hindi ang mga ganitong klaseng hadlang ang tatapos satin.. aba.. hindi ata ako makakapayag noon.. bawal!
kapag napanghihinaan ako ng loob sinasabi ko lang sa sarili ko na hindi rin ito magtatagal.. nabasa ko yung blog mo at tama ka..
isa isa ring mauubos ang lahat ng pagsubok na binigay sa ating.. at sa huli magiging matatag pa tayo kaysa sa dati. tapos pagdating nung december.... weeeeeee.. atat na ako..
lei ko, pasensya na kung minsan napapasa ko sa iyo yung sama nung loob ko, ang dami ko na palang utang sa iyo.. babawi din ako. makakabawi din ako sa iyo.. balang araw..^_^
salamat din. salamat sa lahat ng mga nagawa mo sakin. sobrang laking bagay nung mga nggwa mo for me..
mahal ko. wala akong hiniling kung hindi ang parating nasa tabi mo. sa yakap mo lang ako nagkakaroon ng saya sa mundo ko, lagi mo ako napapangiti sa mga sweet mong text sakin. miss ko na ang lahat ng tungkol sa iyo. kung pwede lang gusto kita lagi dito sakin. katabi. kawentuhan. kakulitan. kadamay. at higit sa lahat kayakap.. miss ko na lahat iyun..
isa lang kaya ko bigay sa iyo.. ako..
Flashback:
ang bilis ng panahon. gigising nalang ako mamaya eh nakarami na pala tayo.. ng buwan.. ahahahaha...
-
0 comments:
Post a Comment