October 2, 2010
**His first birthday with us as a couple
There are no exact words to explain how I feel about you. I feel speechless on how to greet you, in what manner, in what phrases should I use to make you feel that I'm really happy for your birthday. So, let's try to put some sense on the next sentences or paragraphs! :)
HAPPY BIRTHDAY BEBS! :)
Finally, binata ka na! Pwede ka na siguro pakasalan niyan.. Lol. Di pa pala, pagkagraduate mo pa! Hahaha! :P But seriously, you're now what they say a full-grown man. Like yeah, don't mention the weight because you've grown up since then. Hehe!
************************************************************************************************************
Wait lang. Nosebleed na ko. Ayoko na mag-english! Ang hirap kasi talaga mag-isip ng isusulat. Tsk. Basta, basahin mo na lang `tong isusulat ko sayo. High-tech na ngayon e. Di na uso ung sa papel. Dito na lang sa Multiply blog ha? :) Eto na...
"O tulog ka lang dyan ha, alam kong mamaya ka pa magigising. Pasulatin mo muna ko dito.. :)"
Sa totoo lang...
Ang dami kong gustong sabihin.
Ang dami kong gustong malaman mo.
Ang dami kong gustong iparamdam sayo.
At hindi sapat na maisulat ko lang dito.
Sa tuwing may nangyayaring okasyon sa `tin, `di ko talaga mapigilan magreminisce. Parang ambilis ng oras, pero kasabay nun ung parang ambagal din niya. Ambilis kasi, ang dami na pala nating napagdaanan, napuntahan, napag-usapan, napag-awayan, napagtawanan. Pero antagal kasi.. Ang dami ko pang gustong gawin kasama ka. Ang dami ko pang gustong puntahan. Ang dami ko pang gustong maranasan! Lahat `yun, gusto ko andun ka, sa tabi ko, o kaya pinapanood ako. Basta, ung andun ka lang lagi. At syempre, gusto ko din na andun ako sa tabi mo. Pagkagraduate mo, pag may trabaho ka na at lahat ng pwede mo pang maranasan! Masyado nang fastforward kung isipin ko na andun ako hanggang sa pagtanda mo pero, un talaga naiisip ko e. Ewan ko ba. Gusto na talaga kita makasama forever. Parang, "forever and ever, babe?" Hahaha! Seriously, ayokong mawala ka pa e. :)
He's got the smile that I fell in love with
and the arms I wanna be held in forever.
Ngayon, 21st birthday mo. Nung nakilala kita, totoy ka pa. Hahaha! ASA. Forever kang magiging totoy sa kin dahil mas bata ka sa `kin noh. At alam kong forever mo na kong aasarin pag edad ang pag-uusapan. Lagi kang, "3rd year high school ako nung nauso yung kantang yan, IKAW?" Sabay ngiti ka lagi pag edad pinag-uusapan nating dalawa. HMP.
Naalala mo pa ba ung birthday mo last year? Tinanong pa kita nung isang araw kung ano ung binigay ko sa`yo, at parehas pa tayong nag-isip talaga. Ang tagal na pala talaga. Un nga at namroblema na naman ako sa ibibigay ko sayo. Kahit sabihin mong importante e andun ako sa birthday mo, syempre, I always want to give something to you.. para me bibigay ka din sa birthday ko next month! Hahaha! Joke lang. :P
"Wait lang. Mamaya ka na magising. TSK. 4AM na pala. Di pa ko tapos mag-type!"
Pagpasensyahan mo na nga pala ung birthday gift ko sa yo ha? Hindi ko natupad ung simpleng gusto mo na cake chaka mag-boblow ka ng candle na 21 nakalagay. :( Palpak lahat. Pagkatanda ko talaga, ayaw mo ng Red Ribbon kaya Goldilocks binili ko. Un pala, Black Forest tinutukoy mo sa Red Ribbon at ayaw mo ng Choco Mousse ng Goldilocks! TOINKS. Wala ding 21 na candle. :( 2 lang daw kasi meron e.. Anong gagawin ko sa 2 kung walang 1?? 2 years old ka lang? TSK. Pero at least, may blinow ka pa rin naman na candle kanina di ba? Sana naappreciate mo yun. At sana matupad ung wish mo! :)
Sorry din kung di ko nabili ung gusto mo. Panget design e! Hehe! Pero I'm glad that you liked the other one. Gamitin mo un ah! Baka una't huli ko nang makitang suot mo un kanina. HMPP! :P Naalala ko ung text mo sa kin kagabi..
"Tsk. Empty ung cp ko. Asan na ba ung charger?"
" I just want those things.. But I need you.. Mga ordinaryong bagay lang un.. Ikaw hindi.. May itlog ka sa ulo."
Natawa talaga ko.. kasabay ng pagka-touch, syempre. Pano, special na special. May itlog pa talaga sa ulog.. parang lugaw lang ah. :P At kasabay ng pagpaparamdam mo sa kin na special ako, sana naramdaman mo din na special ka nung birthday mo. :)
Sorry kung inaway kita nung umaga,, pati nung pauwi na. Oo, may utang akong dine out sayo! Di ko makakalimutan. Sorry talaga. :( At salamat sa palaging pag-intindi. Ang childish ko masyado. Ikaw `tong may birthday, ako `tong papansin. :(
Bebs, next birthday mo kaya, Anong mangyayari?
Ang saya kahapon e! Kahit na nakakapagod. Kahit na nag-away tayo, all in all naman, masaya pa rin di ba? Nag-enjoy ka pa rin naman di ba? Nakabawi pa rin naman ako di ba?
*Background sound: Someone's snoring. Hihihihi.. *
Sana sa next birthday mo, magkasama ulit tayo.
Sana sa next birthday mo, ako pa rin girlfriend mo.
Sana sa next birthday mo, masaya ulit!
At sana sa next birthday mo, matupad na lahat ng gusto mo.
Ung kasama natin ung HS friends mo, sila Abby, PauPau, Karl pati ung iba!
Chaka sana, andito na rin ung parents mo. Para sobrang happy mo!
Kung kaya ko lang pamasahihan sila ng roundtrip ticket sa birthday mo, ginawa ko na e.
Para lang sumaya ka ng lubus-lubusan. :)
Kaya, dapat ko nang pag-ipunan yan para next year! HAHAHAHAHAHA!
you have this silly way
of keeping me on the edge of my seat. :">
Bebebs, thanks for giving me the opportunity na ako ung makasama mo sa birthday mo.
Thanks for everything that you have given me.. especially your time.
Wish ko sa birthday mo, sana maging okay na lahat regarding your studies.
"Tsk. Maaalimpungatan ka na ata. =s"
Sana `di na tumagal ung parents mo sa States para makasama mo na sila ng matagal.
Sana lalo pa tayong magtagal! :)
I LOVE YOU RAI. On my end, aside from all of my gifts, I have a promise to make for your birthday.. I will stay devoted to you. I'll remain faithful AND loyal. I'll try my best to be your ideal girlfriend. Just keep on accepting my flaws and all. ;)
HAPPY BIRTHDAY ULIT! :)
Tabi na ulit tayo! ;)
I may not get to see you as often as I like
I may not get to hold you in my arms all through the night
But deep in my heard I truly know,
you're the one that I love and I can't let you go