Saturday, November 24, 2012

You're My Man


December 15, 2009
For the past few days, I was thinking on what would be the best thing to do during our anniversary. You wanted us to eat at Angel's Kitchen, somewhere here in Greenhills, because you watched it on tv that the food there was great. While I was thinking on something cheesy like going back to the place where we were the year before.

But then, I remember how we became a couple. Remember the date? Remember the day? Remember what I was wearing? Haha! I was just from our company's Christmas party when we met again. And I just want to stop talking right now. I don't want other people to know on how we became a couple. They will surely laugh because I can't help myself laughing whenever I remember it. Basta, thanks to Ate Gellie for asking. LMAO!

**************************
******************************

O tama na. Cheesy moment ko na muna. Haha!

Bebs ko, thanks po sa blog. Ahihi! :">
Anong oras ka na natulog? Mukang pagkatapos nating mag-usap, nag-blog ka kaagad ah. Haha!
And I was touched.. and very much pleased. <3

Akalain mong napag-blog kita ulit? Matagal tagal ka na ring di nagboblog ah.
Sadya atang pag malungkot ka lang nagboblog. Palungkutin kaya kita? Bwahahaha. Kidding. :P
Naalala ko tuloy nung nag-away tayo tapos hindi tayo nag-usap ng mga 24 hours.
Parehas pa tayong nag-blog about our drama tapos nalaman na lang natin un nung nag-uusap na ulit tayo. Ahaha. (:

Garabe.
Ambilis ng panahon.
One year na pala.
One year na pala tayo.
Parang kelan lang noh?
Ang sarap tuloy mag-reminisce...

Magkasama tayong nagPasko at nagNew Year last year. Ngayon kaya?
At tama ko noh? Kung ano talaga ung ginagawa pag New year, un gagawin sa buong taon!
Tignan mo tayo. Un at un talaga ginagawa natin... Tambay together. <3 Ahaha. :P

Naalala ko nung nag-date kunoh pa tayo sa MOA. Di ko malaman kung date ba talaga un or suhol or whatever. Linibre mo pa talaga ko sa Kalye Juan! Magkano din un ah. Tapos, ambilis mo. Nung nanood tayo ng fireworks, nakahawak ka na agad sa kamay ko. IBA KA BOI! Hahahaha! Naalala mo ba nung ninakawan mo ko ng halik habang natutulog ako sa bus? Pilyo ka talagang bata ka. Bwahahahaha. :P

Anggang sa naging tayo at lagi na tayong magkasama tuwing weekends. Garabe noh? `Di ata lumilipas ang dalawang linggo na hindi tayo nagkikita e. Feeling ko kasi, pag di tayo nagkikita ng weekends, kulang ang linggo ko. Alam mo un? Sa limang araw na pagtatrabaho ko, weekends lang ang nilolook forward ko lagi. Dahil alam ko.. un na ang araw ko parang maging masaya ng todo. Un na kasi ang araw na makikita at makakasama ulit kita. (: Ewan ko ba. Ginayuma mo ata kong talaga. Di ka ubod ng gwapo. Di ka naman pwedeng pang-Macho Man. Pero.. humaling talaga ko sa`yo. Tingin ko.. dahil un sa fats mo! Bwahahahaha. :P Seriously, malapit na talaga kong maniwala na pinainom mo talaga ko ng gayuma at ang epekto niya e forever.. Oo, poreber and eber. Haha!

Ikaw na talaga. Ikaw na nakikita ko na maging future ko. Kahit na oo, nahihirapan ako sa `tin. Kahit na oo, nasasaktan ako minsan. Kahit na oo, gusto ko nang umayaw. Hinding-hindi pa rin kita mabitawan. Isipin ko pa lang, masakit na. Pano pag ginawa ko na? Aysus. Warla na. :P

Alam ko, napepressure kita ng madalas. Ang dami ko kasi gusto. Ang dami kong gustong gawin nating magkasama. Ang dami kong gusto na gawin mo para sa `kin. At ang dami kong gustong gawin para sa`yo. Parang kulang na kulang masyado ang oras natin. Byahe pa lang, panalo na. Sayang din sa 2 oras ah! Pagkita natin minsan, may kasama nang pagod. :( Pero tiis lang tayo Bebs.. Kaya ko pa. Don't worry. (: Kaya pa kitang hintayin. Mag-aral ka maigi para makatapos ka na! Nang maumpisahan na natin gawin ung mga plano natin. (: Mga ilang years pa ba? Siguro after mga 2-3 years, tapos ka na. Tapos, magwowork ka. Iipon tayo bahay. Siguro pag lagpas 25 ko noh? Haha! Basta ba ikaw ung nasa dulo ng lahat ng `to, sige lang. Aantayin kitang maging ready.

Hahaha! Ironic noh? Parang ewan. Ikaw `tong lalaki, ikaw `tong aantayin ko. Bata mo kasi e. Hmp! :P Manlalaki kaya muna ko? Lol. Joke lang! :P

Ah basta..

Gusto pa kitang makasama ng matagal na matagal!
Gusto ko ulit manood ng fireworks kasama ka.
Gusto ko ulit mag-timezone at maglaro ng parang bata tayo.
Gusto ko ulit mag-usap tayo sa gabi anggang sa makatulugan na tayong dalawa.
Gusto ko ulit maghugas ng pinggan para sa`yo. Basta ikaw lagi maglalaba! :P
Gusto ko ulit makalabas kasama ung mga barkada mo.
Gusto ko ulit makapunta ka ng bahay anggang sa maging kumportable ka.
Gusto ko ulit mag-date with Lelo and Tedi. (Promise, anak mo talaga si Lelo kahit blue siya!)
Gusto ko ulit mag-order ng walang kamatayang McDo para sa `tin pag nasa inyo.
Gusto ko ulit ng madaming yakap at halik mo lalo na pag namiss mo ko ng sobra. :">
Gusto ko pa ulit ng madaming sweet moments.
Gusto ko pang makasama ka for the rest of my life.
And I hope you feel the same way too. (Di ba? Sapak ka sa kin! :P)

Basta bebs.. Dyan ka lang ha? At dito lang ako.
Alam mo naman kung anong makakapag-okey sa kin pag topak ako at madaming naiisip e.
Makita lang kita. Yakapin mo lang ako. Okay na ko.
Kampante na ulit pakiramdam ko. Feeling ko, okay na ulit lahat. :">

O sige na. Ang haba na nito. Ang keso na masyado. Letse. Hahaha!
I love you Ray-Ann. I love you so much!
Happy anniversary ulit!
To infinity and beyond! (:





TAENA. AYOKO NA! ANG CHEEEEESSSSSYYYYY!
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
HAHAHA! :P

0 comments:

Post a Comment