hindi ko talaga alam kung anong espritu ang sumapi sa akin. pero simula ng mapanood ko ang indie film na TRIBU ni Direk Jim Libiran, para itong dugo na nananalaytay sa aking katawan. parang naging hininga ko sa tuwing nag-oonline ako. sigurado na un. sa tuwing naka-online ako, hindi mawawala na ang isang window nito, ang makikita mo, tungkol sa TRIBU. mtv nila, audition piece nila ebet, gheghe, atbp., posters, pictures, multiply at pati friendsters nila young cent. ewan ko ba. mula ng mapanood ko un, para kong nagising sa mahabang pagkakatulog. parang gusto kong makialam. gusto kong idilat ng mabuti ang aking mga mata. gusto kong malaman kung ano ba talaga ung mundong un. oo, alam ko na meron talagang nagaganap na mga gang wars, nabubuong tribes, at iba pa. pero hindi ko sukat akalain, o marahil nagbubulag bulagan lang ako, na ganun na pala kalala ang mga nangyayari sa ibang parte ng maynila. nakakatakot. hindi lang para sa pansariling kapakanan ko. kundi nakakatakot na ganito na ngayon. ganito na nga rin dati eh. pero parang wala naman talagang nangyayari pagbabago. hindi ba, mas nakakatakot un?
hindi ko masasabing perpekto ang film. pero kung puso at laman ang pag-uusapan, kung may perpekto man talaga, eto un. tagos talaga sa puso. nakakapanindig balahibo. mararamdaman mo halos lahat ng sakit na nararamdaman ng mga characters. kahit hindi niya sabihin na nasasaktan siya, ikaw ung nasasaktan ng todo para sa kanya. hindi ka man kasali sa isang tribe, makikita mo ang sarili mo sa isa man sa mga tauhan dito. hindi mo kayang ipagkaila un.
mahirap ipaliwanag. pero, hindi pwedeng basta na lang isawalang bahala. naiisip ko tuloy, ngayong 3rd year na ko, pwede ko kayang gawin thesis ung ganun? ung tulad ng thesis na ginawa ni Direk Jim Libiran? pero tingin ko, kahit kalingkingan man, hindi ko magagawa. at iba talaga pag un ung passion mo eh. tulad ni Direk. hindi basta basta na lang ginagawa ng may masabing may ginawa. ginawa talaga na ang pinaghuhugutan ay puso. lagpas 100 porsyentong kasiguraduhan un! kaya, hinahangad ko na lamang na makita ko kung anong nararapat kong pakialaman pagdating sa thesis ko. anyway, 4th year pa aman un. madaming buwan pa. hehe..
sabihin mang adik ako sa TRIBU, wala kong pakialam. eh ano kung tungkol toh sa mga gang? tungkol sa drugs, sex at kung ano pa? ano aman kung ghettoness? un naman ung totoo eh. un ang talagang nangyayari. kaya walang dapat itago. kahit na pangit.
sana, may magawa akong makakatulong sa TRIBU. sana, sa simpleng pagsusulat, mabuksan ko pa rin ang mga mata ng ibang taong nagbubulag bulagan at kung ano ano ang tinitignan.
basta.. i'm a proud TRIBU fanatic.. =')
0 comments:
Post a Comment